MANILA, Philippines- Kinasuhan ng abogado ang tatlong tauhan ng Quezon City police personnel sa paghawak nila sa viral incident na kinasasangkutan ng dating pulis na nanutok ng baril sa alitan sa kalsada sa isang siklista.
Sinabi ng Quezon City public information office nitong Linggo na naghain si Raymond Fortun ng kasong oppression, irregularities in the performance of duties and incompetence, sa ilalim ng Rule 21 ng 2016 Napolcom memorandum circular, laban sa tatlong miyembro ng Kamuning traffic sector sa People’s Law Enforcement Board (PLEB) ng lungsod.
“Despite the clear and imbalanced status of the parties, the same police officers failed to protect the rights of the cyclist when they failed to provide a legal counsel for him so that the latter would be duly appraised of his rights,” giit ni Fortun.
“Further, they failed to secure the CCTV footages in the area in order to ferret out the real facts in the conflicting statements made by the parties. Finally, and for reasons known only to them, and despite there being sufficient basis to do so, the same police officers failed to file the appropriate charges,” dagdag niya.
Makikita sa viral video ang isang motorista na kinilalang si Wilfredo Gonzales, na humugot at nanutok ng baril laban sa isang siklista malapit sa Welcome Rotonda sa Quezon City noong Aug. 8.
Samantala, pinuri ni Mayor Joy Belmonte ang pag-aksyon ni Fortun.
“What we need now are little acts of heroism from ordinary Filipinos to stand up for what is right to exact accountability from those in power. This move of Atty. Fortun in filing a case with our PLEB is a vote of confidence that here in Quezon City, we will get things done. The proper process in the proper forum, which is the PLEB, will now take its course.”
Samantala, sinabi ni Sen. Francis Tolentino na hindi naibalik ni Gonzales ang kanyang retirement pay kahit na ipinag-utos ito ng Philippine National Police.
Sa briefing, inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maaari ring magsampa ng kaso ang local government laban kay Gonzales, dahil ang alarm and scandal ay isang public crime. Nagsampa ng nabanggit na reklamo ang PNP at hinikayat ang biktima na gawin din ito.
Noong nakaraang linggo, bumaba si pwesto si QCPD chief PBGen Nicolas Torre III kasunod ng pagsasagawa ng press conference kasama si Gonzales matapos ang insidente. RNT/SA