Home NATIONWIDE Romualdez sa alalahanin ng rice retailers sa price cap: Hindi manhid ang...

Romualdez sa alalahanin ng rice retailers sa price cap: Hindi manhid ang gobyerno

MANILA, Philippines- Sinisilip ni House Speaker Martin Romualdez ang posibleng paglalabas ng “ayuda” para sa small rice retailers na maaapektuhan ng price ceiling sa bigas.

Inilahad ito ni Romualdez nitong Linggo at nangakong makikipagpulong sa mga pinuno ng rice retailers groups upang talakayin ang mga pangamba na ikalulugi nila ang price ceiling.

“We have to talk to them to come up with a win-win solution wherein they won’t be adversely affected by the price ceiling,” aniya.

Sinabi ni Romualdez na sinisilip ang pagbibigay ng tulong sa retailers, subalit hindi ito idinetalye.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No.39 ang pagtatakda ng price cap na P41 kada kilo ng regular milled rice, at P45 kada kilo ng well-milled rice would.

Nagrereklamo ang retailers ukol dito dahil kinukuha nila ang kanilang mga produkto sa halagang halosP50 kada kilo mula sa traders. 

“Hindi naman manhid ang gobyerno kaya we want to listen to their concern and we will try to find a solution doon sa pangamba nila na malulugi sila,” ani Romualdez, pinuno ng Kamara.

“I-address natin iyung sinasabi nilang mataas na ang kuha nila sa traders. Pero syempre priority natin ang sambayanan na hirap na makabili ng bigas,” dagdag niya. RNT/SA