Home OPINION MOTORCYCLE TAXI RIDER TUMANGGAP NG PARANGAL

MOTORCYCLE TAXI RIDER TUMANGGAP NG PARANGAL

HINDI biro ang trabaho ng mga motorcycle taxi rider lalo na’t sagap nila ang lahat ng polusyon sa lansangan, bukod pa sa posibleng matuyuan ng pawis sa maalinsangang panahon at mabasa naman kapag tag-ulan.

Pero hindi maikakaila na marami ang tumatangkilik sa serbisyo ng mga motorcycle rider dahil bukod sa iwas sa mabagal na daloy ng trapiko, mabilis na nakararating sa kanilang paroroonan ang mga pasahero.

Kaya naman bilang bahagi nang pagbibigay pagkilala ng kompanyang Angkas sa kanilang riders, naglunsad ng programa ang pamunuan na tinaguriang “Tagumpay Night: Gabi ng Parangal Para sa mga Liga ng Lodi” na inilaan sa hindi matatawarang kontribusyon ng Angkas bikers.

Sabi ng Angkas, ang naturang kaganapan ay bilang selebrasyon na rin ng pangako ng mga nasa industriya sa hindi matatawarang katapatan sa misyon ng kompanya hinggil sa walang humpay na pag-abot sa kanilang hangarin.

Bahagi rin ito ng pasasalamat ng kompanyang Angkas sa kanilang bikers kung saan mahalaga ang kanilang naging papel sa tagumpay ng Angkas.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 30,000 riders na ang Angkas mula nang magsimula sila noong Disyembre ng taong 2016 at kumpiyansa sila na madaragdagan pa ito sa susunod na panahon.

Sa naturan ding kaganapan, umabot sa may 50 natatanging bikers ang pinagkalooban ng parangal at gantimpala dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho na kumakatawan sa
layunin ng Angkas.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na gantimpala ng Angkas ay ang bahay at lupa sa natatanging biker, bagong motorsiklo para lalo pa nilang mapagbuti ang pagseserbisyo sa pasahero, direktang deposito sa bangko para sila makapag-impok at matiyak ang
kanilang kinabukasan, scholarship para sa edukasyon ng kanilang mga anak, at puhunan sa pagsisimula ng kanilang nais na itatag na negosyo.

Kabilang naman sa mga listahan ng mga ipinagkaloob na parangal ang “Rookie of the Year” Award, “Top 10 Pioneer Bikers”, “Service Awards”, “Ang kasosyo Award”, “Pandayan Award”, “Pamana Award”, “Kanlungan Award” at “ Arangkada Award”.
Nagbigay naman ng kanilang inspiring messages sina George Royeca, ang visionary CEO ng Angkas at Angeline Tham, co-Founder, na nagbibigay liwanag sa mahalagang
papel na ginagampanan ng mga riders.