Home NATIONWIDE 3 sugatan sa pagpapasabog sa away-lupa sa Cebu

3 sugatan sa pagpapasabog sa away-lupa sa Cebu

97
0

MANILA, Philippines – Inaalam na ng mga awtoridad ang lalaki na naghagis ng improvised explosive device (IED) sa isang kubo sa Sitio Ilaya, Barangay Agus, Lapu-Lapu City.

Sugatan sa pagsabog ang tatlong lalaki na nagpapahinga sa loob ng kubo bandang alas-8 ng gabi nitong Agosto 7.

Ayon sa pulisya, ang tatlong lalaki na edad 25, 32 at 34 ay sugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad dinala sa ospital para gamutin.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Christian Torres, spokesperson ng Lapu-Lapu City Police Office (LCPO), na agad dumating ang kanilang mga tauhan sa lugar at Nakita ang bakas ng pagsabog.

Ani Torres, gumamit ng improvised explosive device ang suspek sa pagsasagawa ng krimen.

“Improvised explosive device gigamit, one angle, possible motive is land dispute,” aniya.

Iniimbestigahan ng pulisya ang pag-atake. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here