MANILA, Philippines – Nagtamo ng mga paso at lapnos ang 12 mga fire volunteer sa magpapatuloy na sunog sa Balut, Tondo, Maynila.
Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Prptection-NCR, kasalukuyan pa ring inaapula ang sunog sa isang 4 storey na bodega o warehouse na matatagpuan sa 383 Guidote St., Brgy 132 Balut Tondo.
May kalumaan na ang gusali ngunit pahirapan ang mga bumbero na apulahin dahil na rin sa mga nakatambak na mga electrical tools.
Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gitnang harapang bahagi ng repair area at storage.
Ayon sa BFP, alas 7:51 pa ng gabi nitong Huwebes nang masunog ang gusali na pag-aari ni Ana Lim Koo at nananatiling nasa ikalawang alarma.
Tinatayang aabot sa halos P20 milyon halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog.
Sa 12 sugatan, dalawa rito ay mga babae na fire volunteers na nagtamo ng mga paso sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan. Jocelyn Tabangcura-Domenden