MANILA, Philippines – Tatlong katao ang sugatan sa isang pagsabog na naganap sa isang bodega sa Tondo, Maynila ngayong Sabado.
Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-9:00 ng umaga nangyari ang pagsabog sa loob ng Mega Genesis Trading Corporation building sa Magsaysay Village, Tondo, Maynila.
Tatlong construction worker ang naitalang sugatan na kinilalang sina Edzel Eustaquio (24 taong gulang), Alvin Pagtabunan (31 taong gulang), at Arnulfo Meru (25 taong gulang).
Dinala ang mga biktima sa Tondo Medical Center at binigyan ng agarang lunas.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng pagsabog at ang posibleng paglabag sa safety protocols. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)