Bulacan – Tatlong indibidwal ang sugatan matapos magrambulan ang dalawang grupo ng mga kalalakihan sa isang malaking resort sa bayan ng Calumpit.
Sa report ng pulisya, naganap ang rambulan nitong Lunes ng gabi, Marso 31 sa isang resort sakop ng Brgy. Gatbuca.
Ayon sa report ng pulisya, ang nagrambulang grupo ng kalalakihan ay mula sa Quiapo at Tondo, Maynila.
Nabatid na nagmula sa iringan ng magkabilang grupo hanggang sa nauwi sa suntukan mismo sa swimming pool na may tatlong hindi nakilalang indibidwal ang naitalang nasugatan.
Sinasabing nagkaareglo naman kalaunan ang magkabilang panig, ayon na rin sa report. Dick Mirasol III