Home NATIONWIDE Posibilidad ng online voting sa Myanmar pinag-aaralan pa ng Comelec

Posibilidad ng online voting sa Myanmar pinag-aaralan pa ng Comelec

MANILA, Philippines – Tinitignan na ng Commission on Elections (Comelec) ng posibilidad ng online voting para sa mga Filipino sa Myanmar sa May 2025 elections.

Ito ay kung maaapektuhan ang mga imprastraktura ng telecommunication, maaaring kailanganin ng mga Pilipino na bumoto nang mano-mano gamit ang balota at counting machine.

Ayon kay Garcia, kanilang aalamin paano nakaapekto ang lindol sa imprastraktura ng bansa at kung epektibo pa rin ang internet voting sa Myanmar at kung hindi ay ipadadala ng Comelec ang mga makina.

Mahigit isang buwan bago ang halalan, ipinakita ng Comelec kung paano ito nagsasagawa ng pre-election logic and accuracy tests (preLAT) sa warehouse nito sa Binan, Laguna.

Ipinaliwanag ng Comelec na ang hakbang ay magtitiyak na ang lahat ng automated counting machies (ACMs) ay gumagana at magkakaugnay.

Noong Marso 31, sinabi ni Garcia na 47,000 sa 110,000 ACMs ang sumailalim sa Pre-LAT. Jocelyn Tabangcura-Domenden