Home NATIONWIDE Chopper ni Kiko Pangilinan tatlong beses nag-emergency landing

Chopper ni Kiko Pangilinan tatlong beses nag-emergency landing

MANILA, Philippines – Tatlong beses nag-emergency landing ang helicopter na sinasakyan ni dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan mula Pili sa Camarines Sur.

Si Pangilinan, na tumatakbo bilang senador, ay patungong Quezon nang makaranas ng zero visibility ang helicopter.

Nanggaling siya sa Bicol region para mangampanya nitong weekend.

Nagdesisyon na lamang si Pangilinan at partido nito na bumyahe sa lupa patungong Tiaong matapos ang ikatlo at huling emergency landing sa Candelaria.

“There was 180-degree zero visibility in our flight path that caused us to undertake three emergency landings before we aborted our flight. Napatrabaho nang husto iyong piloto kaya sulit na sulit iyong sahod sa piloto today,” ani Pangilinan.

“Ako’y nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa Kanyang ibinigay na proteksiyon sa amin. Nagpapasalamat din ako sa ating mga magigiting na piloto sa ipinakita nilang husay at tibay ng loob sa gitna ng panganib,” dagdag ni Pangilinan.

“Taos-puso rin po akong humihingi ng paumanhin sa ating mga kababayan sa Quezon na natagalan sa paghihintay sa nangyaring delay.” RNT/JGC