Home METRO 3 sugatan sa rido

3 sugatan sa rido

183
0

MANILA, Philippines- Sugatan ang tatlong indibidwal matapos sumiklab ang tensyon sa pagitan ng dalawang magkaaway na pamilya sa Sumisip, Basilan.

Base sa 101st Infantry Brigade, nagresulta ang ‘rido’ sa Barangay Etub-Etub sa barilan.

Inihayag ng militar na sangkot sa rido ang mga pamilya ng kasalukuyan at dating barangay chairman.

“Parang may inabangan yung tatlong tao. Wounded yung tatlo pero wala namang namatay. Noong isang araw, may firefight na naman na nangyari doon, and every time pumupunta ang kasundaluhan to pacify, siyempre nag-aalisan lang. Ito nga yung pinipilit natin sanang ma-resolve, ma-settle pero yun nga, very challenging,” ani 101st Infantry Brigade Commander, Brigadier General Alvin Luzon.

Subalit, sinabi ng mga awtoridad na ang insidente ay isang isolated case at hindi dapat ikabahala ng mga residente ng lalawigan.

Dagdag ng militar, pinaigting na ang mga istratehiya upang wakasan ang rido.

Dahil sa pagsisikap ng pwersa ng pamahalaan, lima na lamang sa 38 ‘rido’ cases na naitala mula Agosto 2023 ang nananatili.

“Kung hindi naman natin ma-zero ‘yan, we will minimize itong mga ‘to. Very contributory to sa mga violence, conflicts dito sa province. The people here are safe. Yung security situation dito, at all-time, very peaceful. We are determined na i-sustain ito,” dagdag ni Luzon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here