MANILA, Philippines- Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes ang Filipino seafarers na gamitin ang kanilang “right to refuse sailing” para sa kanilang kaligtasan, sa gitna ng pag-igting ng alitan sa Red Sea.
“This situation has worsened due in part to the conflict escalation in the Red Sea that poses a clear and present danger to all Filipino seafarers working in the area,” batay sa abiso ng DFA.
“The DFA therefore urges Filipino seafarers to exercise prudent choice and their ‘right to refuse sailing’ in the Red Sea,” dagdag nito.
Bukod sa mga marino, pinayuhan din ng DFA ang lahat ng mga Pilipino na umiwas sa Red Sea “unless absolutely necessary for their livelihood.”
Nitong Huwebes, sinabi ng EU naval mission na nasagip ang tripulante ng oil tanker, kabilang ang 23 Pilipino, sa pag-atake sa Red Sea sa Yemen.
Nasunog ang Greek-flagged Sounion at nakaranas ng engine power cut matapos tamaan ng ilang projectiles ang tanker nitong Miyerkules.
Wala namang grupo ang umako sa pag-atake subalit ang Iran-backed Houthi rebels ng Yemen ay nagsusulong ng kampanya laban sa international shipping bilang pagsuporta nila sa Gaza, kung saan umabot na ang death toll sa 40,000 sa gitna ng pag-atake ng Israelis.
Noong Hunyo, pinagbawalan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga marinong Pilipino na sumakay sa mga barkong nasa ilalim ng parehong mga may-ari ng mga naunang inatakeng barko sa Red Sea at sa Gulf of Aden.
Ito ay matapos mapatay ng isang Filipino sailor nang atakihin ng Houthi rebels ang isang bulk cargo carrier. RNT/SA