Home HOME BANNER STORY 3-term school calendar sa SY 2026–2027, aprubado ni PBBM

3-term school calendar sa SY 2026–2027, aprubado ni PBBM

285
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapatupad ng three-term school calendar para sa mga public schools simula School Year 2026–2027.

Ang direktiba ay kasunod ng rekumendasyon ng Economic and Development Council sa isinagawang 8th meeting sa Palasyo ng Malakanyang noong Marso 19.

Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan na pabilisin ang mga reporma sa edukasyon upang masigurong tuloy-tuloy at hindi naaantala ang pagkatuto ng mga estudyante kasama ang mga priority government programs.

Dahil dito, inatasan ng Pangulo ang Department of Education (DepEd) na maghanda para ganap na implementasyon ng bagong calendar.

Sa ilalim ng bagong setup, babawasan ang dating apat na quarter ng school year at gagawing tatlong termino upang maiwasan ang siksik na iskedyul at mas maging maayos ang takbo ng mga aralin.

Gayunpaman, mananatili ang sapat na araw ng pasok at sisiguraduhing handa ang mga paaralan sa pagbabago, lalo na sa pagtulong sa mga estudyanteng nahihirapan.

Sinabi ng Pangulo na bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan para palakasin ang kalidad ng edukasyon at gawing mas matatag ang sistema sa gitna ng mga aberya.

Sa kabilang dako, binigyang diin ng Pangulo ang mandatong 180-day contact period para sa mga estudyante at mga guro na dapat na manatili sa kabila ng ‘structural changes.’

Inatasan din niya ang mga education officials na tiyakin na ang bagong sistema ay sumusuporta sa nagsusumikap na mag-aaral at nakahanay sa semestral structure in Senior High School.

Sa kabilang dako, sinabi ng mga education officials na inaasahan na ang bagong istraktura ay makapagbibigay ng “mas mahaba, uninterrupted instructional time at improve lesson pacing.”

Dahil sa three-term calendar, mahahati ang school year sa ‘distinct instructional at assessment periods.’

“The first term will include 54 instructional days and a 10-day assessment period, including a five-day opening block. The second term will have 55 instructional days and a 10-day assessment period, while the third term will consist of 61 instructional days and a six-day assessment period,” ayon sa ulat.

Inaasahan na sa bagong reporma, mababawasan ang “lesson fragmentation, papayagan ang structured recovery periods, at paghuhusayin ang overall learning delivery.”

Para naman sa mga guro, aalisin ang one grading cycle at ikakasa ang dedicated time para sa consolidation at professional development.

“Up to 32 hours of training and scheduled wellness intervals will also be integrated to help ease workload pressures,” ayon pa rin sa ulat. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here