Home METRO Pansamantalang paggamit ng Euro 2 fuel pinayagan ng DOE

Pansamantalang paggamit ng Euro 2 fuel pinayagan ng DOE

200
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng circular ang Department of Energy (DOE) na nagpapahintulot sa pansamantalang pag-angkat at paggamit ng Euro 2 petroleum products upang matiyak ang sapat na suplay ng fuel sa bansa.

Ang Euro 2 fuels, na may mas mataas na emissions, ay pansamantalang papayagang gamitin para sa mga sasakyang ginagamit na at mga modelong mula 2015 pababa, kabilang ang mga tradisyunal na jeepney.

Saklaw din nito ang mga industriyal na gamit tulad ng mga powerplant at generator, pati ang marine at shipping industry.

Ayon sa DOE, ang hakbang na ito ay pansamantala lamang upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat na suplay ng fuel.

“We are adopting a prudent and temporary measure to help,” saad ng ahensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here