Home METRO 3 tigok, 10 sugatan sa salpukan ng 6 sasakyan sa Marikina

3 tigok, 10 sugatan sa salpukan ng 6 sasakyan sa Marikina

0
3 tigok, 10 sugatan sa salpukan ng 6 sasakyan sa Marikina

MANILA, Philippines – Tatlo ang nasawi at humigit-kumulang sampu ang nasugatan sa salpukan ng anim na sasakyan sa Fortune Avenue, Barangay Fortune, Marikina City noong Abril 23.

Ayon sa Marikina City Disaster Risk Reduction and Management Office (Marikina DRRMO), kabilang sa mga nasawi ang isang jeepney driver. Bandang alas-11 ng gabi, nawalan umano ng preno ang isang trailer truck habang paakyat at bumangga ito sa likuran, dahilan para tumagilid at madaganan ang isang jeepney, isang kotse, at isang Hyundai.

Nadamay rin ang isa pang jeepney at isang SUV.

Dinala ang mga biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Inaresto ang driver ng truck at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Tuloy pa rin ang clearing operations pagsapit ng alas-7 ng umaga, Abril 24, ngunit bubuksan na ang kalahating bahagi ng kalsada upang mapagaan ang trapiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here