ZAMBALES, Philippines – Nadiskubre at nadismantle ng mga awtoridad ang isang makeshift drug den sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales matapos ang isinagawang buy-bust operation noong Sabado ng hapon.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 3, tatlong suspek na may edad 43, 33, at 27 ang naaresto bandang 5:40 p.m.
Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱136,000, kasama ang iba’t ibang drug paraphernalia at marked money na ginamit sa operasyon.
Dadalhin ang mga nakuhang ebidensya sa PDEA Regional Office 3 laboratory para sa forensic examination upang kumpirmahin ang laman nito.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MND