Home HOME BANNER STORY Ilang kalsada sa QC, pansamantalang isasara para sa NLEX–C5 Northlink Project

Ilang kalsada sa QC, pansamantalang isasara para sa NLEX–C5 Northlink Project

152
0

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang pamahalaang lungsod ng Quezon City ng pansamantalang pagsasara ng ilang kalsada sa Barangay Bagbag para bigyang-daan ang konstruksyon ng underpass ng NLEX–C5 Northlink Segment 8.2 Section 1A project.

Ayon sa abiso ng lokal na pamahalaan, ang Katipunan Kaliwa Street / Lokaria Street ay isasara mula Mindanao Avenue hanggang King Alexander Street mula Marso 30, 10 p.m. hanggang Abril 6, 4 a.m.

Layunin nito na maisakatuparan ang konstruksyon ng underpass na bahagi ng malawak na North Luzon Expressway at C5 Northlink project na inaasahang magpapabuti sa daloy ng trapiko sa lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta at planuhin nang maaga ang biyahe upang maiwasan ang abala.

Maglalagay din ng mga traffic enforcer at mga signages upang gabayan ang mga motorista sa tamang ruta habang isinasagawa ang konstruksyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here