MANILA, Philippines – Inanunsyo ni House Speaker Faustino Dy III na babawasan ang face-to-face meetings ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) Inter-Parliamentary Assembly (AIPA).
Ayon sa kanya, ang mga in-person activities ay ililimita na lamang sa dalawang pangunahing pagtitipon: ang General Assembly sa Oktubre at ang Interface Meeting sa Nobyembre. Ang mga preparatory meetings ay ililipat na sa online o virtual platforms.
Layunin nito na mas mapagtibay ang paggamit ng resources habang tuloy pa rin ang parliamentary diplomacy ng mga bansang kasapi.
Sinabi rin ni Deputy Speaker Maria Rachel Arenas na inaayos na ang mga preparasyon para sa isang hybrid format, kung saan pinagsasama ang online meetings at piling face-to-face events para sa mas episyenteng organisasyon. RNT/MND