Home METRO 3 tiklo sa ilegal na LPG refilling sa Bulacan

3 tiklo sa ilegal na LPG refilling sa Bulacan

50
0

BULACAN, Philippines – Inulat ng mga awtoridad na tatlong indibidwal ang naaresto habang nasamsam ang nasa mahigit P1.3 Milyon halaga ng kagamitan sa iligal na operasyon ng Liquified Petroleum Gas (LPG) refilling, matapos salakayin ng Criminal Investigation Group (CIDG) at local police ang isang warehouse sa Likod Bisita, Loma de Gato, Marilao.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Tina, Ram at Dan”, mga nasa wastong gulang at pawang mga empleyado nang sinalakay na Warehouse.

Sa bisa ng Search Warrant mula sa Korte, sinalakay ng mga awtoridad ang warehouse kung saan naaktuhan at inabutan umano ang mga suspek sa kasalukuyan nilang iligal na operasyon ng LPG refilling.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa raid ang siyam (9) na refilling heads with weighing scale and LPG Hose, Refilling Hose, motor compressor at cylinder tank na may tatak na “Phoenix” na tinatayang aabot sa P1,360,000 na gamit sa kanilang iligal na operasyon.

Mahaharap ang mga mga nadakip na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 11592 o mas kilala sa LPG industry Regulation Act. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here