Home METRO 3 tiklo sa illegal na pagbebenta ng uranium

3 tiklo sa illegal na pagbebenta ng uranium

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang tatlong indibidwal na umano’y nagbebenta ng smuggled uranium sa Pilipinas.

Ang uranium ay isang heavy metal na ginagamit ng terror organizations para gamiting armas gaya ng dirty bombs at shields, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Narekober ang 100 kilo ng uranium mula sa iba’t ibang lugar kung saan ito itinago ng mga suspek.

Iniaalok ng mga suspek ang uranium bilang “precious metals.”

Kontaminado ng uranium powder ang bahay ng isa sa mga suspek sa Pasay, at kasalukuyang isinasagawa ang decontamination dito.

“Due to its radioactivity and toxicity, it (uranium) can expose the people in close contact with it to health threats,” sinabi pa ng NBI.

Binubusisi na ng mga awtoridad ang mga naunang transaksyon ng mga suspek.

Nakipagtulungan ang NBI sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) para itago ang mga nakumpiskang uranium. RNT/JGC