Home METRO Police patrol sumalpok sa bahay, pulis patay

Police patrol sumalpok sa bahay, pulis patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis habang sugatan ang anim iba pa kabilang ang dalawang drug suspect, nang bumangga ang sinasakyan nilang patrol vehicle sa isang bahay sa gilid ng kalsada sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Linggo ng gabi, Disyembre 8.

Ang insidente ay nangyari 9:30 ng gabi sa Barangay Gang, Sultan Kudarat, ayon kay Police Chief Lieutenant Colonel Esmael Madin.

Nasawi sa naturang aksidente si Corporal Cairodin Rumigas ng Buldon Municipal Police Station.

Sugatan naman ang apat na kasamang pulis na sina Sgt. Musa Calocop, Corporal Baseron Aratuc Patrolmen Ismael Tagadaya, at Patrolman Diamalodin Esmail — kabilang ang dalawang lalaking drug suspects na kapwa residente ng Buldon.

Pabalik na sa Buldon ang mga pulis kasama ang mga suspek para isailalim ang mga ito sa drug testing nang mawalan ng control ang kanilang patrol vehicle at sumalpok sa isang bahay.

“Corporal Aratuc, who was driving, said he lost control of the steering wheel,” ani Madin.

Nasira ang nabanggang bahay ngunit wala naming nasaktang residente nito.

Isinasagawa ang imbestigasyon para matukoy ang iba pang detalye ng insidente. RNT/JGC