Home NATIONWIDE Konsehal sa Pangasinan, pinagbabaril-patay

Konsehal sa Pangasinan, pinagbabaril-patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang konsehal ng Umingan, Pangasinan matapos pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo, habang ito ay nagmamaneho sa Barangay Lubong.

Ang biktima ay kinilalang si Ponciano Onia, 59.

Nagtamo ito ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Agad na dinala sa ospital si Onia ngunit binawian din ng buhay.

Ligtas naman ang dalawa pang indibidwal na kasama niyang nakasakay sa sasakyan.

Narekober ng mga awtoridad ang mga casing ng .45 caliber na pistola mula sa crime scene.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Pangasinan Police Provincial Office para tutukan ang kaso.

Mayroon na ring persons of interests ang pulisya sa naturang krimen. RNT/JGC