Home NATIONWIDE 3 tiklo sa P2.7M shabu sa Butuan City

3 tiklo sa P2.7M shabu sa Butuan City

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.7 milyon sa buy-bust sa Purok 4, Barangay Holy Redeemer sa Butuan City.

Kinilala ng Butuan City Police Office (BCPO) ang mga naarestong suspek na sina alyas Sanse, 31, mula Marawi City; alyas Ram, 41, isang security guard mula sa Butuan City; at alyas Letty, 40, mula Occidental Mindoro.

Sinabi ng pulisya na ang tatlong suspek ay nasa listahan ng high-value targets sa illegal drug trade.

Nakuha mula sa mga suspek ang iba’t ibang size ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

“This arrest reaffirms our commitment to combat illegal drugs,” pahayag ni BCPO chief Col. Rommel Villamor.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC