Home HOME BANNER STORY 3 tiklo sa P3.4M shabu sa QC

3 tiklo sa P3.4M shabu sa QC

265
0

MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong indibidwal matapos makuhanan ng P3.4 milyong shabu sa operasyon nitong Miyerkules, Oktubre 30 sa Quezon City.

Ang joint operation ay ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police sa Alley 10, Barangay Pansol, Quezon City na nagresulta sa pagkakaaresto nina alyas “Rich”, 44-anyos, alyas “Pam”, 47 anyos; at alyas “Gibs”, 45-anyos na pawang mga residente ng lungsod.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 500 gramo ng hinihinalang shabu.

Inilagay ang illegal na droga sa loob ng brown paper bag. Narekober din ang boodle money, cellular phone, at identification card.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here