MANILA, Philippines – Dumating na ang Michelin Guide sa Pilipinas.
Ang inaugural Michelin Guide Ceremony: Manila and Environs & Cebu 2026, ay ginanap nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 30 sa Manila Marriott Hotel sa Newport World Resorts, kung saan kabuuang siyam na restaurant dito sa bansa ang nakatanggap ng prestihiyosong Michelin Stars.
Narito ang kumpletong listahan ng 2026 restaurant selection sa Michelin Stars.
One Michelin Star: High-quality cooking, worth a stop
Asador Alfonso
Celera
Gallery by Chele
Hapag
Inato
Kasa Palma
Linamnam
Toyo Eatery
Two Michelin Stars: Excellent cooking, worth a detour
Helm
Nauna nang inanunsyo ang mga kainan sa Pilipinas na nakasama sa Michelin Selected list maging sa Bib Gourmand and special awardees.
Ayon sa Michelin Guide, ang Bib Gourmand ay iginagawad sa mga restaurant na nag-aalok ng “a three-course meal at a reasonable price.” RNT/JGC