MANILA, Philippines – Pinangalanang popular slang na ginagamit ng Gen Alpha, ang “67” (six-seven), ayon sa Word of the Year for 2025 ng Dictionary.com.
Ayon sa website, inanalisa ng mga lexicographer ang mga datos batay sa search results, social media trends, at mga headline.
Nagsimula ang searches sa 67 sa kalagitnaan ng taon.
“The origin of this most modern use of 67 is thought to be a song called ‘Doot Doot (6 7)’ by Skrilla,” sinabi ng naturang website.
Wala pang partikular na sagot kung ano ang kahulugan nito ngunit maaari ring ito ay nangangahulugang “so-so,” “maybe this, maybe that,” o kahit ano depende sa konteksto.
“Perhaps the most defining feature of 67 is that it’s impossible to define. It’s meaningless, ubiquitous, and nonsensical. In other words, it has all the hallmarks of brainrot,” sinabi ng Dictionary.com.
Narito pa ang ilang salita na nakapasok sa shortlist ng Word of the Year ng Dictionary.com:
Agentic
Aura farming
Broligarchy
Clanker
Dynamite emoji (TNT, Taylor ‘n’ Travis)
Gen Z stare
Kiss cam
Overtourism
Tariff
Tradwife. RNT/JGC