MANILA, Philippines – Nagpadala ng bulaklak sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa libingan nina dating Pangulong Manuel Roxas at Sergio Osmeña sa Manila North Cemetery.
Bukod dito, nag-alay din ng bulaklak ang Manila LGU sa mga yumaong artist na sina Susan Roces at Fernando Poe Jr., dating Manila Mayor Alfredo Lim, dating Senator Claro M. Recto, at mga Boy Scout na nasawi sa plane crash.
Sa kasalukuyan, mananatiling bukas ang 54 ektaryang sementeryo sa mga nais bumisita mula alas-5 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi hanggang Nobyembre 2, 2025. RNT/JGC