Home METRO 3 tiklo sa P6M pekeng sapatos

3 tiklo sa P6M pekeng sapatos

MANILA, Philippines – Tatlo ang naaresto habang P6 milyong halaga ng pekeng sapatos ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang residential house na matatagpuan pa mismo sa loob ng exclusive subdivision sa Parañaque City.

Ang raid ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ay nag-ugat sa sumbong ng isang kompanya ng sapatos.

Bukod sa mga pekeng sapatos at pekeng resibo, nadiskubre rin ng mga awtoridad ang mga kwarto na ginagamit sa online live-selling.

“Nagsasagawa nga sila ng online selling mismo doon sa kanilang area of operation,” pahayag ni NBI-NCR Assistant Regional Director Joel Tovera.

“Gusto nila na madali yung kanilang panlilinlang sa mga consumers dahil ide-deliver lang yung items at walang panahon yung mabebentahan nila na eksaminin ito. Pangalawa, stratehiya na rin nila nito para mahirap silang matunton ng mga otoridad,” pagpapatuloy niya.

“Napakalaking kawalan ito sa ating pamahalaan dahil di sila nagbabayad ng buwis at pati sa parte ng may-ari ng brand, malaki ang ikinalulugi nila.”

Samantala, mahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines ang mga naarestong suspek. RNT/JGC