Home NATIONWIDE Chinese militia vessels namataan sa Recto Bank – BFAR

Chinese militia vessels namataan sa Recto Bank – BFAR

MANILA, Philippines – Namataan ang ilang Chinese militia fishing vessels sa Recto Bank sa West Philippine Sea, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ayon sa ulat, kalimitan ay nakikita ng mga mangingisda ang Chinese militia vessels sa lugar bagama’t hindi sila pinapakialaman ng mga ito.

Hindi rin umano nila nakikita ang mga ito na nangingisda sa lugar.

Ang Recto Bank ay matatagpuan sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Sinasabing mayaman ang lugar na ito sa langis at natural gas.

Sa ikalawang araw ng refueling mission, sinabi ng BFAR na dumating ang China Coast Guard (CCG) Vessel 4202 na mula pa sa Ayungin Shoal.

Nitong Miyerkules din, dalawang rubber boat ang bumaba mula sa CCG at pinaikutan ang barko ng BFAR.

Ang BFAR at PCG ay naghatid ng libreng krudo sa 22 malalaking bangka ng Pilipinas. RNT/JGC