Home METRO 3 timbog sa ₱800K tobats sa Taytay

3 timbog sa ₱800K tobats sa Taytay

576
0

MANILA, Philippines – Tatlong indibidwal, kabilang ang dalawang High-Value Individuals (HVI), ang naaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Taytay Municipal Police Station sa ikinasang buy-bust operation alas-11:00 ng gabi, Hulyo 16, 2025 sa Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na Weng, isang High-Value Individual (HVI) na hinihinalang sangkot bilang pusher at user ng ilegal na droga; alyas Nizel, na isa ring HVI na may parehong papel bilang pusher at user; at alyas Kenneth, na itinuturing namang isang Street-Level Individual at user ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang poseur buyer ang nagawang makabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula kay alyas Weng. Si alyas Nizel naman ang tumanggap ng marked money, dahilan upang agad silang arestuhin ng mga operatiba. Sa isinagawang frisking, narekober mula kay Weng ang karagdagang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, habang isang sachet rin ang nakuha kay Nizel.

Samantala, naaktuhan naman si alyas Kenneth na bumibili rin ng shabu kay Weng. Isa pang sachet ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kanya.

Kabuuang limang (5) transparent heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu, na may bigat na 120 gramo at standard drug price na ₱816,000.00, ang nasamsam sa operasyon. Narekober din ang isang coin purse, isang handbag, isang motorsiklo, at ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang buong operasyon ay naitala gamit ang Alternative Recording Device (ARD) bilang bahagi ng pagpapatupad ng tamang proseso, transparency, at accountability sa mga anti-illegal drug operations na isinagawa ng kapulisan.

Ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Taytay MPS habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa korte.(Maritess Pumaras)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here