Home NATIONWIDE 3 timbog sa P.75M poker scam sa Pasay

3 timbog sa P.75M poker scam sa Pasay

2
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang pulis, kabilang ang casino dealer at isang negosyanteng Malaysian national, matapos madiskubreng nagsabwatan ang mga ito para ma-defraud ang isang resort-casino sa Pasay ng halagang P750,000 sa pamamagitan ng poker scam nitong Biyernes, Hulyo 3.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang mga nadakip na suspek na sina Edgardo, 36, may ranggong master sergeant na nakatalaga sa Warrant Section ng Sta. Ana Police Station sa Maynila; alyas Larry, 39, casino dealer; at ang Malaysian national na si Chee Hoe Wong, 41, isang negosyante.

Ayon kay De Sesto, ang umanoý pagsasagawa ng panloloko ay nangyari dakong alas 3:53 ng hapon noong Hulyo 2 sa larong Ultimate Texas Hold’Em na ginanap sa loob ng isang casino sa Pasay.

Sinabi ni De Sesto na nadiskubre ng management ang panloloko makaraan ang ilang oras kung saan agad na inireport ito sa lokal na kapulisan dakong alas 3:00 na ng umaga ng sumunod na araw.

Base sa nakalap CCTV footage, nabisto ng surveillance department ng casino ang iregularidad na agad namang inimpormahan ang kanilang mga tauhan ng safety and security unit na siya namang nakipag-ugnayan sa mga surveillance personnel bago sitahin ang mga suspek at isagawa ang citizen’s arrest.

Sa pagsasagawa ng aprehensyon ay nakatakas naman ang isa sa kasabwat ng mga suspek kung saan kasalukuyan itong pinaghahanap ng mga awtoridad.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police Investigation and Detective Management Section (IDMS) ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315, Paragraph 3(b) ng Revised Penal Code (estafa through fraudulent practices) sa Pasay City Prosecutor’s Office. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here