Home ENTERTAINMENT Ina, may mahalagang tip sa anak na babae!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ina, may mahalagang tip sa anak na babae!July 5, 2026 12:1210 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa loob ng mahigit 20 taon nang kapiling ang kanyang asawa, wala na raw mahihiling pa si Ina Raymundo.Unang-una na nga, the former Sabado Nights girl is blessed with beautiful children.Isa rito si Erika, ang minsan nang naugnay kay Kobe Paras.Bilang isa ring sugo ni Eba, may mahalagang payo lang si Ina para kay Erika.Tulad nga ng alam ng lahat, “sumakabilang-pugad” na si Kobe.Hindi naman actually ikinalungkot ni Ina ang kinahantungan ng relasyon ng anak kay Kobe but she has this for a sound piece of advice.Makakatulong din kasi ito kay Erika on how to deal with men.Her advice: “Play hard to get!”Obyus na ito rin ang pinairal ni Ina noong nanliligaw pa lang ang asawa.Simply put, huwag agad bibigay.In short, konting pakipot.In one of her interviews, she was asked kung at one point ba noong nagpapaseksi siya sa pelikula, did she encounter men na rough o presko?Ina cited ‘yung karaniwang eksena sa bar where men usually end up drunk, but not to the point na langung-lango.“Bigla na lang susulpot ang ulo nila, then magpapakilala. Medyo nakainom na kasi,” lahad ng sexy pa ring aktres.No, Ina didn’t feel disrespected at all.Sa katunayan pa nga’y nakaabang na ang bouncer ng bar to stop such kind of men: “Pero sabi ko, okey lang ako!”Ang play hard to get advice niya kay Erika doesn’t mean she has a low regard for men, kundi bilang proteksyon lang daw para sa kanyang anak.Never naman daw naging man hater si Ina all her life. Ronnie Carrasco III