Bulacan- Arestado ang tatlong hinihinalang tulak matapos umanong mahulihan ng P1,870,000 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ni Bulacan Police Director PCOL. Satur Ediong ang mga suspek sa sina alyas Mamam, Radj, tubong Marawi, kapwa residente ng Brgy. Graceville at Sonson ng Brgy. San Isidro.
Sa report na nakarating kay Police Regional Office 3 Regional Director PBGEN. Redrico Maranan, ikinasa ang operasyon ng SJDM police station bandang alas-3 ng hapon nitong December 24 sa Brgy. Graceville.
Ayon sa report, nakumpiska sa operasyon ang nasa 275 grams na hinihinalang shabu na may standard drug price P1,870,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III