Home METRO Obrero tiklo sa panggagahasa sa kolehiyala

Obrero tiklo sa panggagahasa sa kolehiyala

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 25-anyos na construction worker makaraan umanong gahasain nito ang isang 21-anyos na babaeng college student sa Sitio Mansanitas, Brgy. Inayawan, Cebu City, nitong Miyerkules, Disyembre 25.

Ang suspek ay kinilalang si Kerwin Tado Salas, may live-in partner, at residente ng lugar na kapitbahay ng biktima.

Sinabi ni Police Lieutenant Christian Darcy Fat, hepe ng Inayawan Police Station, na bago ang insidente ay nag-iinuman ang suspek at mga kaibigan nito sa pagdiriwang ng Pasko.

Naroon sa inuman ang biktima na isang college student, at ang live-in partner ng suspek.

Kalaunan ay pumasok ang biktima sa loob ng bahay para magpahinga ngunit sinundan ito ng suspek sa kanyang kwarto.

Nagising ang biktima na hinuhubaran na siya ng suspek na una’y inakala niyang live-in partner nito.

Ipinasok ng suspek ang daliri nito sa ari ng biktima nang makailang ulit at saka na lamang napagtanto ng biktima na hindi niya live-in partner ang gumagawa niyon.

Dito na itinulak ng biktima ang suspek at nagsisigaw.

Agad na naiturn-over sa pulisya ang suspek.

Sa kabila ng apela ng live-in partner ng suspek ay desidido ang biktima na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Sasailalim sa medical examination at counseling ang biktima sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Services. RNT/JGC