Home ENTERTAINMENT AlDub, nag-ilusyon na naman!

AlDub, nag-ilusyon na naman!

Manila, Philippines – Nabuhay na naman ang pagiging delusional ng ilang mga kaanib sa AlDub nation.

Ito’y matapos saksihan ang kasal nina Jose Manalo at Mergene Maranan sa Boracay beach kamakailan.

Present kasi doon sina Alden Richards at Maine Mendoza.

As far as the AlDub fans are concerned, sapat na raw na batayan ‘yon na magre-reunite ang kanilang mga idolo.

A possible screen partnership, to be exact.

Pero nakalimutan yata ng mga ito na understandable ang presence nina Alden at Maine sa kasal.

Aside from Maine being one of the hosts of Eat Bulaga ay naging bahagi rin naman doon si Alden until the noontime show left GMA and moved in to TV5.

To top it all, ikatatampo for sure ni Jose kung hindi sumipot si Alden.

Malaking bahagi ang ambag ni Jose sa AlDub dahil sa kalyeserye nito’y gumanap siya bilang si Lola Nidora.

As it is, malabong magkaroon ng katuparan ang gustong mangyari ng ilang AlDub fans.

Mananatili itong ilusyon na magkakatoo lang sa kanilang panaginip, kaya gumising na sila!

Samantala, nowhere in sight sa naturang kasal kahit isa sa mga apat na anak ni Jose.

May mga nang-iintriga tuloy na may sama ng loob ang mga ito sa kanilang ama.

Depensa naman ng llang may malawak na pang-unawa, let the kids be happy for their dad. Ronnie Carrasco III