Home METRO Higit 6,200 pasahero sa mga pantalan ng Southern TagalogMETRONATIONWIDETOP STORIES Higit 6,200 pasahero sa mga pantalan ng Southern TagalogDecember 26, 2024 11:12 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines- Nasa 6,284 pasahero ang naitala ng PCG District Southern Tagalog sa unang anim na oras ngayong Huwebes o Disyembre 26.Sa datos ng PCG-Southern Tagalog mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-6 ngayong umaga ay nasa 4,111 ang mga naglayag na pasahero.Umabot naman sa 2,173 na pasahero ang dumating sa iba’t ibang pantalan na sakop ng naturang Coast Guard District.Mahigpit na pagbabantay naman ang tiniyak ng PCG Southern Tagalog sa lahat ng daungan na sakop nila.Kasama rito ang Batangas, Quezon, Mindoro, Marinduque at Romblon. Jocelyn Tabangcura-Domenden