MANILA, Philippines – Nakumpiska ng Talisay City Police ang nasa ₱20,000 halaga ng paputok bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Epraem Paguyod, hepe ng Talisay City Police Station, mahigit 600 piraso ng paputok ang nasamsam sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa serye ng mga inspeksyon.
Nilinaw niya na dahil hindi naglaan ng fireworks display zone sa lungsod kung saan legal na makapagbebenta ng paputok ang mga vendor, illegal ang pagbebenta ng paputok dito.
Kabilang sa mga nakumpiskang paputok ay ang kwitis, baby kwitis, sparklers, pop-pop, piccolo, fountains, Judas belts, shotguns, Roman candles, at iba pa.
Sinabi ni Paguyod na bumaba ang bilang ng mga indibidwal na gumamit ng paputok nitong Bisperas ng Pasko.
Sa kabila nito, inaasahan nilang mas darami ang magpapaputok sa Bagong Taon.
Dagdag pa, generally peaceful naman ang selebrasyon ng Pasko sa Talisay City. RNT/JGC