Home METRO Bahay ng comedian, TV host nilooban; suspek arestado!

Bahay ng comedian, TV host nilooban; suspek arestado!

MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos na manloob umano sa dalawang bahay sa Quezon City sa mismong Bisperas ng Pasko.

Isa sa mga bahay na pinasok ng magnanakaw ay pagmamay-ari pa ng isang sikat na aktor, komedyante at TV host.

“Naghahanda na para sa noche buena, kagagaling lang namin magsimba. Pinasok kami ng isang nakaposas na individual. Nakpasok sya nang walang pahintulot, luckily na-restrain namin at nakatawag kami ng security at ng police,” sinabi ng komedyante nang dumulog ito sa Batasan Police Station sa Quezon City para isumbong ang pangyayari.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District Station 6, bago pasukin ng suspek ang bahay ng komedyante ay pinasok muna nito ang isang condo unit.

“May lalaki na pumasok sa bahay paglingon ko, nandoon na siya sa likod nakatayo na. Nagmamakaawa siya, nanghihijngi siya ng tulong dahil papatayin daw siya ng guards. Nakatakas siya sa amin, nagpunta sa ibang lugar,” pahayag ng biktima sa panayam ng ABSCBN News.

Nahuli ng security ng condo ang suspek ngunit nakatakas ito at Nakagawa pang makatawid sa katabing village.

Doon ay muling naaresto ang suspek, ngunit habang nasa security office ay nagpumiglas umano ito at nagawang matanggal ang kanyang posas.

Pagkatapos ay hinablot ng suspek ang 9-mm na baril ng isang security guard at nakipambuno sa guwardya.

Dito na sinubukang barilin ng suspek ang gwardya.

“Nagpambuno na kami, sabi ko patingin nga ng posas mo, gumanon bigla. Babalik posas isang kamay kumapit sa baril ko nagpaputok. Paskong-Pasko, yayariin mo buhay ko,” pahayag ng security guard.

Wala naming natamaan sa insidente at tuluyang naaresto ang magnanakaw.

Bagama’t wala naman na nanakaw sa mga biktima, sinampahan ng aktor, isa pang biktima at ng security guard ng tatlong magkakahiwalay na reklamo ang naarestong suspek. RNT/JGC