Home HOME BANNER STORY Legal complaints sa SC, maiiwasan sa pagresolba ng gusot sa 2025 budget...

Legal complaints sa SC, maiiwasan sa pagresolba ng gusot sa 2025 budget – Zubiri

MANILA, Philippines – Umaasa si Senador Juan Miguel Zubiri na maisasaayos na ang mga gusot sa probisyon ng 2025 national budget bill bago ito pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Zubiri, ang mga isyu na dapat matugunan ay ang bawas na pondo para sa computerization program ng Department of Education at zero funding para sa Philippine Health Insurance Corporation Inc. (PhilHealth).

“That would help stave off possible legal action in the Supreme Court which might render a decision declaring the budget unconstitutional and, therefore, delay its implementation and effectivity,” ani Zubiri.

Nakatakdang pirmahan ni Marcos bilang isang batas sa Disyembre 30 ang 2025 General Appropriations Act (GAA) na naglalaman ng proposed P6.3 trillion budget.

Ang pagpirma ng GAA ay inisyal na itinakda noong Disyembre 19 o 20, ngunit ipinagpaliban dahil nais ng Pangulo na mas busisiin pa ang mga probisyon nito.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ibi-veto ang ilan sa mga item at probisyon ng national budget para sa kapakanan ng publiko.

Bagamat hindi na nagbigay pa ng detalye si Bersamin kung anong mga probisyon ang ibi-veto, ipinaliwanag ni Marcos kamakailan na ang proposed cut sa computerization program ng DepEd ay “contrary to the policy direction” ng kanyang administrasyon sa edukasyon.

Nangako ang Pangulo na ibabalik ang P10 bilyong tinapyas sa proposed budget ng DepEd. RNT/JGC