Home METRO 3 tulak laglag sa P374K ‘bato’ sa Bocaue buy-bust

3 tulak laglag sa P374K ‘bato’ sa Bocaue buy-bust

Bulacan – Arestado ang tatlong pinaghihinalaang tulak matapos umanong mahulihan ng P374,000 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue.

Kinilala ni Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo ang mga naarestong suspek na sina alyas Bukit, Ada at Kiko.

Sa report kay Arnedo, ikinasa ang operasyon ng Bocaue Police station laban sa mga target bandang alas-4:10 ng umaga nitong Hulyo 11 sa Brgy. Turo.

Ayon sa report, nakumpiska sa operasyon ang 10 sachets ng pinaghihinalaang shabu na may standard drug price P374,000 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III