Home NATIONWIDE Pag-export ng Pinas ng ‘raw sugar’ sa US muling gugulong sa Agosto

Pag-export ng Pinas ng ‘raw sugar’ sa US muling gugulong sa Agosto

MANILA, Philippines- Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pag-export ng raw sugar sa Estados Unidos sa susunod na buwan.

Tinatayang apat na taon na ang nakalilipas nang huling magsagawa ang Pilipinas ng shipment sa Amerika, kasunod ng naging kahilingan ng industry stakeholders.

Sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) administrator at CEO Pablo Luis Azcona na, “Exporters are requesting if they’ll be allowed to export.”

“Exporters are volunteering to export… they will serve the 25,000 [metric tons],” ayon kay Azcona.

Buwan ng Marso, inanunsyo ni US Trade Representative (USTR) na naglaan ito ng karagdagang 25,3000 metric tons raw value (MTRV) para sa Pilipinas para sa fiscal year 2024 (Oktubre 1, 2023 hanggang Setyembre 30, 2024).

Pinapayagan ng MTRV allocation scheme ng US government ang mga bansa na mag-export ng ‘specified quantities’ o tinukoy na dami ng produkto sa “relatively low tariff.”

“According to exporters, they [raw sugar] have to arrive in the US by September… So, if that happens, [the exportation] will happen in August,” ang sinabi ni Azcona.

Ang plano na mag-export ay ipatutupad sa pamamagitan ng isang sugar order, na nakatakdang desisyunan ngayong buwan.

Ang huling shipment ng Pilipinas sa Estados Unidos ay sa crop year na 2020–2021, kung saan nag-ship ito ng 112,008 MT ng commercial raw sugar.

Sa kabilang dako, plano ng Pilipinas na umangkat naman ng 200,000 MT refined sugar bago matapos ang taon upang punan ang inaasahang supply gap at tiyakin ang pagiging matatag ng presyo ng mga kalakal.

Tinuran ni Azcona na: “The Philippines would be exporting raw sugar while importing refined or processed sugar.”

Sinabi pa ni Azcona na ang “trigger point” para sa planong importasyon ay makikita sa Agosto, lalo pa’t ang kasalukuyang stocks ay inaasahang bababa sa tatlong buwan na halaga ng demand.

Samantala, sa isang kalatas, nag-alala naman ang Sugar Council—isang coalition ng sugarcane producers at itinanong “why there is a need to import even as an export sugar order is being prepared.”

“Farmers have reason to be puzzled. Why export and then import? Why export 24,700 MT of raw, which we are short of, and replace it with 61,750 MT of refined (at a 1:2.5 ratio), of which we have too much? ”giit ng Sugar Council.

Sinabi ng sugarcane producers coalition na dapat ipaliwanag ng DA at SRA ang sitwasyon sa mga karaniwang magsasaka.

Winika ni Azcona na “we do not want to lose the US quota if we don’t serve it for a long period of time.”

“We really need it sometimes to stabilize our local prices,” patuloy ng opisyal.

Maliban sa karagdagang 25,300 MTRV, naglaan ang Estados Unidos ng 145,235 MTRV para sa Pilipinas ngayong taon.

Inulit ni Azcona na ang importasyon ay dapat na mangyari bago magsimula ang milling season sa Setyembre, “so it will not affect the prices of our locally produced sugar.” Kris Jose