Home NATIONWIDE PNP: Politika labas sa balasahan sa Davao City Police

PNP: Politika labas sa balasahan sa Davao City Police

MANILA, Philippines- Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes na politika ang motibo sa kamakailang serye ng reassignments sa Davao City Police Office.

“Siguro, because of some political issues, nahahaluan po ng kulay po ito,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang press briefing.

“But we want to assure everyone that this is far from reality yung nangyayari na sinasabi na dinudugtong po itong nangyayari sa Davao because of the current political issues,” dagdag niya.

Base kay Fajardo, pinili ang mga opisyal base sa kanilang potensyal na kontribusyon sa mga programa ng PNP.

Noong Mayo, 35 police officers  ng Davao City Police Office kabilang ang hepe nitong si Police Colonel Richard Bad-ang, ang inalis sa pwesto upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa drug-related killings sa lungsod.

Pinalitan si Bad-ang ni Police Region Office (PRO) 11 deputy regional director Police Colonel Rolindo Suguilon, ayon kay Fajardo.

Noong Hunyo, tatlong police officials at 12 iba pa ang sinibak dahil sa umano’y paglabag sa pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Isa sa mga tinanggal na opisyal ay si PRO 11 Police Brigadier General Aligre Martinez.

Pinalitan si Martinez ni Police Brigadier General Nicolas Torre III.

Nito namang Miyerkules, inilipat ang liderato ng Davao City Police sa tatlong iba’t ibang opisyal sa loob lamang ng isang araw: una kay Police Colonel Lito Patay, sumunod si Police Colonel Sherwin Butil at kalaunan ay kay Police Colonel Hansel Marantan.

Sinabi ni PRO 11 spokesperson Police Major Catherine dela Rey na alinsunod ang pagtatalaga kay Marantan sa utos ni PNP Chief Police General Rommel Marbil.

Binatikos naman ni Mayor Baste Duterte ang mga pagbabago sa Davao City Police Office, kung saan sinabing ang mga aksyong ito “will not help in sustaining the city’s peace and security situation.”

“This move by [Marbil] and [Torre] undermines the hard work not only of these police officials but also of every police personnel who is truthfully fulfilling their mandate, that instead of being recognized, are being relieved and questioned,” pahayag ng alkalde nitong Miyerkules.

“The mass relief of police officials, including the City Police Director, the head of the Special Operations Group, and 19 station commanders, assigned in Davao City will not help in sustaining the city’s peace and security situation,” dagdag niya. RNT/SA