Home NATIONWIDE DOT nakapagtala ng higit 3M inbound travelers sa Pinas ‘gang Hulyo

DOT nakapagtala ng higit 3M inbound travelers sa Pinas ‘gang Hulyo

MANILA, Philippines- Mahigit 3 milyong byahero ang dumating sa Pilipinas, hanggang nitong Hulyo.

Makikita sa pinakabagong datos ng Department of Tourism (DOT) na 3,173,694 inbound travelers ang bumisita sa Pilipinas, hanggang nitong Hulyo 10.

Sa naturang pigura, 92.55% o 2,937,293 ay pawang mga dayuhan habang 7.45% o 236,401 naman ay overseas Filipino.

Samantala, pumalo ang visitor receipts ng Pilipinas sa P282.17 bilyon sa unang bahagi ng 2024, at kahit paano ay mas mataas ng 32.81% kumpara sa P212.47 billion revenue ‘year-on-year.’

“This 32.81% rise from last year’s figures not only showcases the growing appeal of the Philippines as a premier travel destination but also underscores the tangible benefits that tourism brings to our economy and our people,” ayon kay DOT Secretary Christina Garcia Frasco.

“The income generated through tourism directly translates to more opportunities and improved livelihoods for Filipinos, reinforcing the critical role this industry plays in our nation’s progress,” dagdag ng opisyal.

Tinuran pa ng Kalihim na inaasahan ng DOT na tataas ang bilang ng inbound foreign tourists at maging ng tourism-related jobs sa second half ng taon.

Ayon sa DOT, nangunguna ang South Korea na mayroong foreign arrivals na 25.99% o 824,79. Sinundan ito ng Estados Unidos sa 16.47% o 522,667 mga dayuhan; Tsina sa 6.30% o 199,939; Japan sa 5.95% o 188,805; at Australia sa 4.33% o 137,391.

Ang mga bansang Taiwan, Canada, United Kingdom, Singapore, at Malaysia ay nasa ika-anim hanggang ika-10 source markets.

Samantala, noong Disyembre 2023, inanunsyo ng Tourism Department na target nitong maaabot ang mahigit 7.7 milyong international arrivals para sa taong 2024. Kris Jose