Home METRO Senior na ex-con balik-selda sa panggagahasa, pagpaslang sa nene!

Senior na ex-con balik-selda sa panggagahasa, pagpaslang sa nene!

ZAMBOANGA CITY- Naaresto ng mga pulis ang isang 65-anyos na ex-convict sa umano’y panggagahasa at pagpatay sa isang 9-anyos na babae sa Lamitan City, Basilan noong Martes, Hulyo 9.

Batay sa imbestigasyon, humingi umano ng permiso ang biktima mula sa kanyang ina na mamimitas ng prutas sa labas ng kanilang bahay.

Hindi ito nakauwi, dahilan upang hanapin siya ng kanyang pamilya.

Natagpuan ang kanyang bangkay sa madamong lugar nitong Miyerkules, na nakapulupot ang pantalon sa kanyang leeg.

Nadakip ang suspek matapos makita ng mga saksi na naglalakad kasama ang babae sa gabi bago matagpuan ang mga labi nito. Nakulong ang suspek dahil sa murder. RNT/SA