MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa illegal na droga, dalawa rito ay high-value individuals (HVIs) matapos masamsaman ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Zamboanga City.
Kinilala ni Lt. Col. Elmer Solon, hepe ng Regional Drug Enforcement Unit-Zamboanga Peninsula (RDEU-9), ang mga suspek na sina Julmain Salim, 35; Basik Jamih, 47; at Temhar Masdal, 39.
“Both Salim and Jamih are classified as HVIs in the drug watchlist,” ani Solon.
Naaresto ang mga suspek sa entrapment operation na pinangunahan ng RDEU-9 bandang 9:30 ng gabi sa Zone 5, Barangay Divisoria.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 250 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa limang plastic sachet, kasama ang pekeng buy-bust money, dalawang motorsiklo, at sling bag na naglalaman ng droga.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC