GOA, Camarines Sur — Tatlo ang patay at isa ang kritikal matapos araruhin ng isang SUV ang isang trimobile at dalawang motorsiklo sa Barangay San Juan Bautista pasado alas-7 ng umaga ng Miyerkules, Enero 28.
Ayon sa pulisya, nag-overtake ang driver ng SUV sa trimobile nang mawalan siya ng kontrol at masagi ito, at pumasok sa kabilang linya bago mabangga ang dalawang kasalubong na motorsiklo.
Dead on the spot ang mga biktimang babae at lalaking magkapatid, 25 at 21 anyos, sa unang motorsiklo, pati ang 22 anyos na driver ng ikalawang motorsiklo. Ang 19 anyos na lalaking angkas ng ikalawang motorsiklo ay kritikal ngayon sa ospital.
Posibleng nasa impluwensya ng alak ang 19 anyos na driver ng SUV. Siya ay nakakulong sa Goa Municipal Police Station at haharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries, at damage to property. Patuloy ang imbestigasyon. Mary Anne Sapico