Home METRO 3 wanted, 4 tulak, 2 sugarol nalambat sa Bulacan

3 wanted, 4 tulak, 2 sugarol nalambat sa Bulacan

BULACAN – Arestado ang tatlong wanted, apat na hinihinalang tulak at umano’y dalawang sugarol sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad nitong Hulyo 3 sa lalawigang ito.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, nakilala ang tatlong wanted na sina Jeffrey Cruz, Edward Alban at Alvin Manuel.

Si Jeffrey ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 Service of Sentence sa Brgy. Pagala, Baliuag, Edward sa Frustrated Murder, Direct Assault at Resistance to Authority sa Brgy. Bayugo, Meycauayan at Alvin sa Attempted Murder sa San Miguel.

Samantala, huli rin sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Malolos at Meycauayan police sina Jalil Mistar alyas Jalil, Jonie Pintac, Arnold Bandino alyas Nano, Rolito Ragos alyas Itong at Herbert Tiberio alyas Bert.

Nakumpiska sa operasyon ang 16 sachet na hinihinalang shabu, mga paraphernalia at buy-bust money.

Nadakma rin sa anti-illegal gambling operation ng Guiguinto police sina Lei at Carlos na naaktuhang nagsusugal ng tongits na nakumpiskahan ng baraha at bet money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso na nakulong sa mga istasyon ng pulisya na humuli sa kanila. Dick Mirasol III