Home NATIONWIDE COVID face mask mandate sa NoKor inalis na

COVID face mask mandate sa NoKor inalis na

NORTH KOREA – Inalis na ang mahigpit na mandato ng pagsusuot ng face mask sa North Korea kontra COVID-19, ayon sa ilang media report.

Matatandaan na pinanatili ng North Korea ang border lockdown at iba pang paraan kontra sa nasabing sakit, habang ang karamihan ng bansa sa mundo ay nagluwag na.

Wala namang opisyal na anunsyo ang North Korean state television kaugnay nito, ngunit kapansin-pansin umano na wala nang suot na face mask at nagsisiksikan na sa mga sinehan at iba pang lugar ang mga residente nito.

Ayon pa sa Seoul-based site na NK News, mayroong “stark change” kumpara sa isang newspaper coverage noong Setyembre.

Mula naman sa hindi pinangalanang source, sinabihan umano ang mga residente na inalis na ang mandato sa pagsusuot ng face mask sa North Korea noon pang Hulyo 1.

Dagdag pa, inalis umano ng mga awtoridad ang pagsusuot ng face mask dahil nagdulot din ng pagkalat ng skin at eye infection ang pagsusuot ng mga residente ng gamit na face mask at mahigpit na mask control. RNT/JGC