MANILA, Philippines – Magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ang tatlong weather system na umiiral, ayon sa state weather bureau na PAGASA.
Sa ulat, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Southern portion ng Palawan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Southern Mindanao.
Easterlies at localized thunderstorm naman ang makakaapekto sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na magdadala ng maulap na kalangitan at isolated rainshowers o thunderstorm.
Nagbabala naman ang PAGASA ng posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar. RNT/JGC