Home NATIONWIDE 3 weather system magpapaulan sa bansa

3 weather system magpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines – Makakaapekto ang tatlong weather system sa bansa na magdudulot ng mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, shear line ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Bicol Region, Quezon, Northern Samar, at Eastern Samar.

Northeast Monsoon o Amihan naman ang magdadala ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon.

Habang easterlies ang magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Dinagat Islands, Surigao del Sur, at Surigao del Norte.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang iiral sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC