Home ENTERTAINMENT Rhian, umaming di maarte, kumakain ng betamax at fishball!

Rhian, umaming di maarte, kumakain ng betamax at fishball!

Manila, Philippines- Far from her ‘sosyal’ image, sinabi ni Rhian Ramos na hindi naman siya maarte.

Fact is, pwede nga raw siya karayin kahit saan at pakainin ng kahit ano, kahit na street food.

‘Yan ang inamin ni Rhian sa mediacon ng programang Where in Manila.

“Sa toto lang, ‘yung mga favorite kong kainin sa taping, nagpapabili ako lagi ng betaax or fishball.

“Pero number one ko ‘yung betamax.

“Medyo may pagka-adventurous kasi ang palet ako and I’m willing to explore,” sabi pa niya.

FYI, ang betamax ay ang grilled, cubed pieces of coagulated pork or chicken blood, typically served on skewers, named after the old Betamax video cassette tapes due to their similar appearance and dark color.

Sa When in Manila, sinabi ni Rhian na napakaraming activities and date places na pwedeng I-go through at i-feature sa programa, “And I would say na very adventurous din tayo kumain.

“I have eaten things that i haven’t thought to eat before.”

May mga one or two food daw na out of this world ang kinain niya.

“I want prople to be excited of being a Filipino.

“Manila in itself is an experience. It has its own personality na dapat ipakita,” sabi pa ni Rhian.

Sinabi rin ni Rhian na hindi siya maarte kahit na may pagkasosyal ang kanyang image.

“Hindi ako maarte. Honestly, ‘yung mga tao sa showbiz like ‘yun mga glam, hindi ka pwedeng maarte. Kahit saan nila ako dalhin, pwede.”

Sa mediacon ay sinorpresa si Rhian ng kanyang boyfriend na si Sam Verzosa.

Binigyan ni Sam ng flowers si Sam sabay kiss.

Si Sam ay tumatakbo ngayon bilang mayor ng Manila.

“Dapat lang i-surprise ako ni Sam kasi lagi ko naman siyang sinu-surprise and I’m happy for him supporting the program. So sweet.

“Sam and I have fun experiences together.

“With Sam, pinapa-experience din niya sa akin ang mga bago.”

Kung ikalasal ba sila ni Sam, gisto ba niyang sa Manila manirahan?

“Bahala si Sam kung saan nya kami gusto tumira pag kinasal kami,” natatawa niyang sagot.

Where in Manila will be shown every Saturday, 11:30 p.m., starting on March 8 on GMA. It will replace Sam’s Dear SV. JP Ignacio